Total Pageviews

Monday, September 15, 2008

Ikinagagalak ko pong mag-sulat! - Amuy-amoy


Dahil kay Bob Ong, naingganyo ako magsulat ng sanaysay na ito. Sinu ba ang hindi nakakikila sa taong ito? sinu nga ba sya? hindi ko pa sya nakikita ni anino nya...pero sa pag-kakaalam nang nakararami kilala syang manunulat sa bansa. Gusto ko syang makilala at makita someday!
Isa lang sa mga libro nya ang nabasa ko at yun ang "stainless longganisa"! ngunit talaga namang nakaka-enganyong basahin at magsulat din. kung may makakapag bigay o makakapag-pahiram sinu man sa inyu ng isa sa mga libro nya ay kinalulugod ko po kayong pasalamatan. kontakin nyu lang ako sa Email ko."kaile_ann04@yahoo.com". kapal ko ba? naman dapat lang! Eh kung lahat na ng bagay ay panipis na ng panipis, magpapanipis ka pa rin ba? hahaha. siguro
iniisip mo na anu kaya ang pinag-sasabi ko? marahil iniisip mo na nababaliw na ako ! heheh.
isipin mo nang mabuti! kung ang isang sapin ng papel nuon ay nasa 100 piraso o sobra pa, kung ikukumpara mo sa ngayun na nasa 99 na piraso na lang, di ba masasabi mo na panipis na ng panipis?paanu ko alam? kung hindi mo naitatanung ay gawain ko ang magbilang ng papel nung ako ay paslit pa! para malaman ko kung sakto ba ang nakasaad na bilang ng piraso nang isang saping papel. Di ko lang binibilang ang papel kundi inaamoy ko pa! bakit? nakakadik kase, di ko alam kung bakit. Ikaw ba, umaamoy ka din ba ng mga bagay bagay katulad ko?mali pala ang tanung ko.. kundi.. nasubukan mo na bang umamoy nga mga di pang-karaniwang bagay bagay? marahil oo ang sagot mo.. inaamin ko na umaamoy ako ng mga di pangkaraniwang bagay na inaamoy ng mga tao.. tulad nga ng papel kahit anung uri pa.. mapa magasin, dyaryo, libro, pamplet at kahit tiketa, name it!!! hindi lng mga papel ang trip kong inaamuy.pati tsinelas n bago at lapis, oo! pero sosyal naman ako kase monggol ang inaamoy ko, kahit anung lapis basta monggol,oh di ba? what say mo?bakit? aba malay ko ba! nakakaadik lang kase talaga. hayaan mo ireresearch ko kung anu bnag klaseng sakit to! na mahirap pigilan, heheh.
Atleast di ba hindi mga kadiring bagay ang inaamoy ko at hindi bawal! di tulad ng iba dyan tatahitahimik pero kung anu-anong bagay n ang inaaamoy, at yung mga gustong-gustong inaamoy nila ay yung mga matitindi ang amoy, malalagkit,madulas pero makapit! glue at rugby ang tinutukoy ko! pero may mas masaklap pa dyan, yung iba ang trip nilang inaamoy ay yung paa ng misis o mister nila, tulad ni aiko nun.gustong-gusto daw nyang inaamoy ang paa ni jomari =).yung iba pagkatapos mag nail-cutter at mangulikot nga Ingrown nail (onychocryptosis) saka aamuyin kung mabaho ba?bakit dun ba nache-check kung patay oh buhay ang kuko?masubukan ko nga..bago yun!! Yung iba kili-kili ang trip amuyin at yung pawis ng kasintahan nila! yuckie.. kung nag-iisa ka lang at malamig ang disyembre mo, mag-isa mong inaamoy ang hininga mo! dahil sa madalas mong pabuntong hininga, kung bakit hanggang ngayun ay single ka pa rin! pag batang paslit ka naman, yan ang mga walang kamuwang-muwang at kahihiyan! na kung anung madikit sa kamay ay inaamoy! yung iba kung mangulangot ay paglalaruan muna.. alam mo ba ang tinutukoy ko?! bibilug-bilugin sabay aamuy-amuyin! pag nakakita ng kaaway."lagot ka sakin ngayun! makakaganti na din ako.. ayun sapul!" yung iba pag katapos sundutin ang tenga dahil nangangati, titingnan muna kung may tutuling sumama at sabay aamuyin! swerte ka lang kung wala kang luga,minsan pa nga ay tinitikman kung anu ang lasa ng kulangot at tutuli! ako alam ko.. ang kulangot at muta ay maalat,ang tutuli nmn ang mapait! bakit ko alam? nag-ku-cooking ako eh! alam ko dapat ang lasa ng ingredients!!!. yung iba, pag katapos sarap na sarap kamutin ang puwet, ayun deretso sa ilong ang kamay! minsan naman hindi natin maiiwasang dumudumi yung mga alaga nating hayup kaya todo linis tayo, di sinasadya minsan mapapahiran ka ng tae oh di kaya nahawakan mo.. alam mo na ngang tae yun aamuyin mo pa kung anu ba ang amuy at kung gaanu kabaho.
habang naglalakad ka naman sa daan at nataihan ka ng masayahing ibon. automatic ang pag amuy mo!kung anu bang uri ang nahulog sayo, ganun pa man na alam mong may posibilidad na tae nga ng ibon yun, aamuyin mo pa rin at dedma to death mong ilalapit sa ilong mo, pag-naamoy mong di mabaho saka ka lng marereact na.. "yuck! yuck! yuck!" mukha kang tanga dhay!!
Pero di lahat ng inaamoy natin ay mababaho! tulad ng mga bulaklak , nang ulam na hain ni inay! ng mga perfume man o cologne na branded man o japek mamahalin man o hindi ay mabango pa rin!
Buhay nga naman oh! kung anu anu na lang ang inaamoy natin!
pero mabango man o mabaho pa! nasatisfy naman ung curiosity natin! kahit anu pang naging kinahinatnan! nag-enjoy pa rin tayo na amuyin ang lahat ng yon!
tama man ako oh hindi sa pagsalaysay ko nito! nagustohan mo man o hindi wala akong pakialam!! gusto ko lang magsulat. Salamat sa pagbasa ng kwento kong walang kwenta!
ikinagagalak ko pong magsulat!

3 comments:

eizy said...

luphet mo ghen!!is that you?hay nku ipublish mo lang yan bibilin k yan!gaya ng pagbili k ng libro ni bob ong. gusto sna ktang phiramin kya lng nsa hiramin dn!hehe,ingat k jn ha!!-camille laureta

madnessess said...

nys1..well..dq alm qng nu pumsok s icp m at nsulat m yan infairnes 22o nmn bcoz of curiosity..nnd2 ako pra suporthan mga blogs moh..yebah!!more more!! en pgdumami n naisulat moh.....la lng dumami xmpre hahaha..express urself maybe topic nxtime much interesting cgro :) gud job gurl..>>Kristoffer puge<<

iamjhen21 said...

astig.. Bob ong na bob ong ang dating mo ghen.. Halos lahat ng isinulat mo truelalu... Aabangan ko pa ung iba mong blog.. Dapat my kasunod pa yan ah... Clap clap clap....