puspos ng pangungulila yaring aking mundo,
ninanais balikan nuo'y kamusmusan ko.
duon ka lamang nasilayan ng todo.
duon ko lamang narinig ang tono ng boses mo
sa bawat pag-awit ng lullaby na ikaw mismo ang syang may likha.
noon ko lamang nadama pag-ibig mo, init ng yakap mo
na nagpapatunay sa pag-aaruga ng husto.
Sayo ako unang natutong sumulat ng mga letrang
G.e.n.a.l.y.n A. M.a.l.a.c.a.t, dahil sayo
ako'y unang bumilang ng isa, dalawa, tatlo...
gumalang sa pagsasabing po at opo.
malabo man sa isipan, ngunit tiyak kong
sa pamamagitan mo'y una na akong humalakhak ng
pagkasarap-sarap.
nakakapangulila ang pakiramdam ng nasa iyong
mga bisig; pagkakayupyop nitong ulo sa iyong
kandungan at pagkakayakap nitong bisig sa iyong
malusog na pangangatawan.
nakakapangulila bawat palo ng iyong mga palad,
sa tuwina'y nag-papasaway, na di kalaunan'y hahaplusin
ng banayad mong mga kamay, patunay lamang na ako'y di kayang tiisin.
mga ngiti mo'y sadyang naikintal na sa isipan,
pagmamahal mo'y naiukit na sa aking puso.
pag-aaruga at pag-kalinga mo'y nadarama sa tuwina.
oh sadayang kay sarap balikan ng pagkamusmos
kung saan'y nakita kang may buhay, magsigla at may hininga pa
aking mahal na ina...
sana'y ang limang taon sa piling mo,
naging pang habang buhay na lamang..
ngunit tiyak kong ikaw muling makakapapiling
sa paraiso nang lubus-lubusan...
No comments:
Post a Comment