Total Pageviews

Wednesday, September 16, 2009

-Maskara-



Isang mapag-balatkayong pagkatao
Ang siyang sumambulat,
Pilit mong tinakpan ng maskarang mapanlinlang…
Mapagbalatkayong katauha’y tuluyang natakpan;
Sa balintataw ay natanaw ang kahapong puno ng kasiyahan,
Animo’y mga ibong, sa paraiso’y may layang makalipad.
Bawat saglit ay ninamnam, bawat yapos ng hangi’y dinama.
May pananabik sa bawat pag-kampay.
Ni sa sinag ng araw ‘y di mabanaag anumang anino ng pagkatao.
Iniwaglit ang isipan sa mainit na sikat ng araw.
Patuloy sa pakikipag-laro sa ibong maskarado.
Nitong huli’y tuluyan nang nilamon ng dilim ang liwanag,
Na kanina pa’y tirik sa pagsikat.
Nandilim ang pakigid, at sa kadiliman ng gabi duo’y
Nalantad ang pagkataong sa maskara’y nagkukubli.
Pagkawindang sa sarili’y naikintal;
Nag-uunahan sa pag-agos yaring mga luha at pait ay nadama.
Isang mapanlinlang, na sa maskara’y nagkukubli,
Ang syang nakadaupang-palad…