Ang buhay ng tao ay mistulang palaisipan,
kung iyong hustong susuriin iyong masisilayan
mga hiwagang bumabalot.
sa patuloy na pakikipaglakbay-diwa ng ating kaisipan,
sa pag-hahanap ng nawawalang piraso ng palaisipan,
sa pag-hahanap ng mga kasagutan,sa bawat kakatanungan,
nagugulumihanang pag-iisip ang syang hahandulong.
sa bawat pag-kunot ng nuo,
sa pag-tatagis ng bagang,
sa mapanlilisik na titig,
mistulang liyon na kay bangis,
ngunit sa loob animoy kandilang unti-unting nalulusaw;
sa mainit na ningas ng apoy na siyang sumisimbulo sa pait ng kapalaran.
Sa pag-buo ng palaisipan, gayun pa man sa pag-buo
ng bawat pahina ng ating buhay, may magsisilbing susi sa
pag-tuklas at pag-buo ng palaisipan ng buhay!
sa pag-tuklas mo ng bawat piraso doon mo makukuha kung
ano ang totoong anyo ng larawan... Sa bawat pag-tuklas
doon mo mahihikayat ang sarili na tumuklas pa!
hanggang sa ang iyong mga mata ay tuluyang mandilim.
Ang buhay ay mistulang palaisipan na
kinakailangan ng ibayong pag-iisip,
kaunting pag-kalito mo lamang ay maaaring ikasira ng nasimulan na,
gayun din sa pag-lagay ng isang pirasong di eksakto sa
sukat na dapat sanay duo'y nakakabit.
Sa kaunting pag-kakamali mo lamang ay pinsalang pagkalaki-laki ang hantungan.
Oo nga, sa makatuwid, inihahambing ko ang buhay nang
bawat tao sa isang palaisipan...
ang buhay ay mistulang palaisipan;
sa patuloy na pag-buo mo nito, sa kabila ng kapighatian,
unti-unting mag-bibigay ng linaw
at mag-hahatid kasiyahan sa bawat hiwatig na iyong
matuklasan, sa tiyaga at dedikasyon mo sa mga gawa,
upang mabuo ang lahat ng piraso ayun sa tamang kinalalagyan ng
bawat isa; Isang pagkaganda-ganda at makahulugang larawan
na duo'y tutunghay sa iyo, at duon mo madarama ang tunay na
kaligayahan, kahulugan at kapasidad ng buhay mo.
1 comment:
ang lalim namn non..
Post a Comment