Total Pageviews

Monday, September 8, 2008

Untitled...

Author's Foreword:

This poem written in tagalog language and was written by me last July 06,2008. tributed by Angel Polintan.
most of my poem in tagalog, sometimes has same lines and doesn't have its title yet!. I cant help it though but many is appreciating them. Thank you for reading them. I hope, that I inspire you.
always keep an eye to this Blogs.Heaps of writings is coming up.

UNTITLED...

Marami nang araw, minuto, at segundo ang pinalampas.
kaya't pagsisisi sa aki'y umaalpas,
anyo at tinig mo'y ni di kumukupas
sa isipang tanging sayo nakagapos.

Laging dalangin na sana'y di panaginip
yaring nadarama na tila nasa alapaap,
wag sanang mahagip ng hanging humahagipt
O di kaya'y ng along mapang-akit.

Damdamin natin sa ngayo'y walang makatumbas.
ngunit pangangamba at alinlanga'y sa anyo'y mababalangkas,
baka animo'y lamparang sa una lamang husto sa pagningas
at ang dilim sa paligid unti-unting humapyos.

Ngunit naninindigan ang positibong pag-iisip
nais ipagpatuloy kahit anu mang balakid ang humagip
sabay sa pag-gunita ng mga binitawan mong kataga,
"kung tayo'y laan sa isa't-isa, tiyak na tayo ngang dalawa."

Bawat katangian mo'y likas kong minahal,
pinag-tibay ng panahon, mula nang una kang masulyapan
mga biruan, tawanan, at kantahan ay kumintal
sa isip at pusong sayo'y hustong nilalaan.