Total Pageviews

Monday, September 22, 2008

"Ate"




"Ate"

Walang pagsidlan kagalakan sa damdamin,
kung paano ang tulad mo'y mistulang anghel sa kalangitan,
mga gawa at katangian mo'y di mapaparisan,
nino mang nilalang dito sa sanlibutan.

Nuon ay kay layo ng agwat,
ngayo'y ga dipa na lamang sa pag-salibat.
pangunawa mo ang siyang tanging hiling,
sa katigasan nitong bungong paking.

Ako'y nanganganlong sa iyong kandungan,
magmula nang humagip yaong buhawi,kaya naman,
pasasalamat ko'y iyong tanggapin,
pagmamahal ko'y iyong akapin.

Buo ang pag-mamalaki dahil ikaw ang "Ate" ko!
sa lahat ng iyong pagod at sakripisyo,
sadyang kay palad ko't ikaw ang "Ate" ko!
bukod tangi kang totoo..


Authors Foreword:

This poem! again written in tagalog language is tribute to my sister.
i love them all! I just thought if I can make a poem out of anyone else.why not to them? so I wrote this poem to show my appreciation in all the things they have done to me...!!!